Posibleng lumiit ang ani ng tubo o mabawasan ang sustansya ng mga ito matapos maapektuhan ang nasa 23,000 ektarya ng tubuhan sa Negros Island dahil sa pagsabog ng Mt. Kanlaon, ayon sa Sugar Regulatory Administration.
Ayon sa SRA, tumaas ang level of acidity sa mga dahon ng tubo at lupa ng mga sakahan dahil sa ashfall.
Kaya naman, hangad nalang ngayon ng Sugar Regulatory Administration na matunaw ng pag-ulan ang ashfall sa mga sakahan.
At kung sakali naman na magpatuloy pa ang ashfall ay inaabisuhan ang mga magsasaka na patubigan ang mga sakahan laban sa masamang epekto ng abo.
Ayon kay Asec. Arnel de Mesa, spokesperson ng Department of Agriculture, tinututukan na nila ngayon ang kaligtasan ng mga hayop, paglikas sa mga ito at paglagay sa ligtas na lugar.
Kasalukuyan silang naghahanda sa mga intervention ng kagawaran para matulongan ang mga apektadong magsasaka na makapagtanim ulit.