-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Ipagdiriwang ang ika-119 na anibersaryo ng Philippine Civil Service sa lalawigan ng Ifugao ngayong araw.
Kasabay ng okasyon ay magsasagawa ng Fun Walk ang mga state workers at iba pang interesado.
Sa Setyembre 19 ay gaganapin naman ang choral competition, habang Tree visitation at clean-up drive sa Mt. Atugu, Hingyon, Ifugao sa Setyembre 20 at culminating activity at Family sa Setyembre 27.
Ang okasyon ay may temang “Civil Service at 119: Upholding Integrity and Building a High-Trust Society,” alinsunod sa pagdiriwang sa Civil Service Month mula noong September 19, 1900.