-- Advertisements --

Patuloy pa rin ang mga naitatalang kaso ng pertussis sa bansa. At ayon sa Department of Health, mga sanggol na anim na buwang gulang pababa ang karamihan sa mga namamatay dahil dito.

Ito raw ang mga sanggol na hindi pa nababakunahan laban sa pertussis. 

Ipinaalam din ni Health Secretary Teodoro Herbosa na maaari ng makakuha ang mga buntis ng pertussis vaccine kung saan maipapasa nito ang pertussis antibodies sa kanilang sinapupunan. 

Pinaalalahanan din ni Herbosa ang mga magulang na dalhin kaagad sa doktor kung nakitaan nila ng sintomas ng pertussis ang kanilang mga anak upang maagapan ito. Ang iba raw kasi ay dinadala lang sa ospital kapag ilang araw ng nakararanas ng matinding pag-ubo, kaya hindi na naaagapan ng antibiotics.

Ilang mga lugar na sa bansa ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa pagtaas ng kaso ng pertussis kabilang na ang lalawigan ng Cavite at Sta. Rosa City sa Laguna.