-- Advertisements --

Patuloy na nagsasagawa ng search and rescue operations ng mga otoridad sa isang hiking trail sa Valencia, Negros Oriental matapos na mawala ang anim na foreign hikers.

Kinilala ng Valencia Municipal Police Station ang mga nawawalang banyaga na sina Wolfgang, 67 anyos ( German), Aldwin Fink, 60 anyos ( German), Torsten Martin Groschupp 58 anyos ( German) , Terry, 50 anyos ( Canadian) , Alexander Radvanyi , 63 years old ( British) at Anton Chernov 38 anyos, ( Russian).

Ayon kay Negros Oriental police spokesperson Police Lt. Stephen Polinar, umalis ang mga ito mula Sitio Lunas, Barangay Malabo, Valencia dakong alas 8 ng umaga noong Miyerkules patungo sa Twin Lakes, Sibulan Negros Oriental.

Sa parehong araw ay nabigo ang mga ito na bumalik dahilan para ireport na ng kanilang mga nag-aalalang pamilya sa mga otoridad.

Paliwanag ni Polinar na isa sa mga foreigner at ang nagsisilbing guide ng grupo at medyo matagal na rin itong naninirahan sa naturang lalawigan.

Sa ngayon ay ang maulang panahon lamang ang nakakaapekto sa rescue operation dahil sa madulas na trail .