-- Advertisements --

Nagpositibo sa nakakalasong red tide ang lahat ng sample shellfish na nakolekta sa anim na lugar sa bansa.

Ito ang kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ngayong araw.

Ayon sa BFAR, ang mga lugar na nagpositibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o red tide toxic ay matatagpuan sa Visayas at Mindanao.

Ito ay kinabibilangan nang mga sumusunod na lugar;

Dumanquillas Bay sa Zamboanga del SurCoastal waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province
Coastal waters ng Daram Island sa Samar
Zumarraga Island sa Samar
Irong-Irong Bay sa Samar
Coastal waters ng Leyte sa Leyte

Lahat ng uri ng shellfish at alamang na mhuhuli sa mga nabanggit na lugar ay ipinagbabawal na hulihin ,ibenta , bilhin o kainin.

Ayon sa BFAR, sa ngayon ay hindi ito ligtas na ikonsomo ng tao.

Samantala, maaari namang makain ang mga mahuhuling Fish, squids, shrimps, at crab bastat tiyakin na huhugasan at lulutuing mabuti.