-- Advertisements --
image 31

Boluntaryong sumuko sa mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 7 ang nasa anim na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Brgy. Poblacion, Santa Catalina, Negros Oriental.

Ang mga ito ay kabilang sa pangkat ng NPA Terrorist Squad at Local Guerrila Unit, SEF KR-NCBS sa ilalim ng Rachel Mae Palang Command (NON-PSR LISTED).

Kasabay ng kanilang pagbabalik loob sa pamahalaan, isinuko rin ng mga ito ang ilang mga armas kabilang na ang isang unit ng Colt AR15 caliber 9mm; isang improvised M16 Riffle; isang Cal.45; at isang 5.56 Frontier.

Bahagi pa rin ito at resullta sa matagumpay na kampanya ng mga otoridad sa pagsugpo ng terorismo sa rehiyon at loose firearms.

Ibinunyag pa ng mga sumukong CTG na handa silang makipagtulungan sa gobyerno at bumalik na sa komunidad bilang law abiding citizens.

Patuloy namang hinimok ng mga otoridad ang iba pa na magbalik-loob na sa pamahalaan at mamuhay ng mapayapa.