Tinututulan ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) ang plano ng lokal na pamahalaan ng maynila na kumuha ng panibagong elepante, bilang kapalit ng namatay na si Mali.
Matatandaang kahapon ay kinumpirma ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagpanaw ng mahigit 49-anyos na Elephas maximus.
Sinasabing lumabas sa isinagawang necropsy na congestive heart failure at multiple organ failure ang sanhi ng pagkamatay nito.
Para sa advocacy group, paulit-ulit na silang nagbabala at nagpa-alala, ngunit binalewala umano ng mga opisyal ng zoo at ng lungsod ng Maynila ang mga ito.
Giit nila, ang lahat ng mga taong nagkait kay Mali na ito ay magamot ay mailipat sa santuwaryo ay dapat managot.
Sa nakaraang anunsyo ni Mayor Lacuna, sinabi ng alkalde na interesado ang Sri Lanka na muling magkaloob ng panibagong elepante dahil nakita naman daw ang maayos na pag-aalaga kay mali noong ito ay nabubuhay pa.
-- Advertisements --