-- Advertisements --
Balik pageanty ang Filipina-German na si Anna Lakrini matapos itong piliin upang maging kinatawan ng Germany sa Miss Supranational 2025.
Ibinahagi niya ang balita sa kanyang Instagram, kung saan sinabi niyang ikinararangal niyang maging kinatawan ng Miss Supranational Germany 2025.
‘I am honored to be your Miss Supranational Germany 2025,’ post nito.
Noong 2023, naging second runner-up si Anna sa Miss Globe pageant sa Tirana, Albania at tinanghal na Binibining Pilipinas Globe, kung saan siya rin ang nagwagi ng Best in Swimsuit award.
Habang ang kinatawan ng Pilipinas na si Tarah Valencia mula sa Baguio City ay naghahanda narin para sa nalalapit na patimpalak na magsisimula sa June 9 at magtatapos sa June 28 sa Malopolska, Poland.