-- Advertisements --
Masayang ibinalita ni Anne Curtis na sa pangatlong pagkakataon ay lalahok siya sa isang world major marathon.
Sa anunsyo ng 34-year-old TV host/actress, mag-eensayo na siya sa mga susunod na araw para sa Tokyo Marathon kahit sa March 2020 pa ito magaganap.
“I stopped running kasi. 42.2 km is no joke,” dagdag nito.
Unang sumali ang Fil-Aussie beauty sa New York at London marathon noong 2016 at 2018.
Hindi pa naman nabanggit ni Anne kung para saang charity ang pagsali niya sa Tokyo running event.