LAOAG CITY – Hindi pa ipinasa ng konseho sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte ang annual budget para sa taong 2020 dahil sa di-umanoy pamumulitika.
Ito ang reaksiyon ni Mayor Joseph de Lara matapos malaman na hindi pa aprobado ang annual budget para sa taong 2020.
Sinabi ng mayor na noong pang Setyembre sana natapos ang budget dahil matagal nang naapruba ang Annual Investment program na dito inilagay ang mga programa ng lokal na gobyerno para sa mga kababayan nito.
Ayon kay de Lara, wala ng dapat tanungin ang mga Sangguniang Bayan Member kundi pag-revise nalang sana ang gagawin kung may mga nais silang i-revise.
Dagdag ng opisyal na ang mga tao, magsasaka, at iba pa ang maghihirap at nga nagtatrabaho sa opisina kung hindi maaproba ang annual budget.
Umabot sa mahigit P134 milyon ang panukalang annual budget ng nasabing bayan.