Nais na doblehin ang annual budget para sa mga guro hanggang P1.5 billion upang mas mapalalim pa ang kakayahan at kaalaman ng mga guro sa pampublikong paaralan pagdating sa pagtuturo ng English, Mathematics at Science.
“In the national budget, Congress has been allocating only an average P746 million per year for the in-service training of our teachers. We should at least double that amount to P1.5 billion every year starting in 2024,” sinabi Quezon City Rep. Marvin Rillo.
Ang Department of Education ay nakikipag ugnayan sa public at private institutions upang isagawa ang in-service training program na magpapalago sa expertise ng mga guro.
Ayon pa kay Rep. Rillo, kung kinakailangan raw ay makiisa ang DepEd sa ilang private K-12 schools para matulongan pagdating sa training ng courses.
“Our teachers deserve more support in terms of continuing professional development courses and other interventions so that they can improve their abilities to teach English, math, and science more effectively,” dagdag pa ni Rep. Rillo.
Matatandaan na aprubado sa kamara ang House Bill No. 238, kung saan ito ay naglalayong bumuo ng Teacher Education and Training Committee (TETC) upang mapalago ang recruitment at training ng mga guro.
Sa pamamagitan ng TETC, inaasahan na makapagbuo ng minimum criteria para sa hiring at evaluation ng mga bago at dati nang guro.
Taong 2018, nakiisa ang Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) at mababa ang naging rating ng bansa.
Itong PISA ay ang sumusuri sa education system ng mga bansang nakiisa sa pamamagitan ng pagsukat ng academic performance ng mga mag-aaral.
Sa 79 na kasaling bansa, ang mag-aaral mula sa Pilipinas ang pinakahulo sa reading literacy, pangalawa sa panghuli naman pagdating sa science at mathematics literacy.
Kaya naman, ayon kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, magsasagawa ng revision ang DepEd sa “congested” K-12 curriculum ngayong taon.