Binarikadahan ng milyon-milyong anti-government protesters ang karamihan sa mga kalsada sa Hongkong bilang paggunita sa anibersaryo nang muling pagbabalik ng naturang syudad sa ilalim ng kapangyarihan ng China.
Nauna na rito ang naganap na rally noong mga nakaraang linggo matapos ipagsigawan ng mga mamamayan sa Hong Kong ang pagtaliwas nila sa extradition bill na nais ipatupad ni Hong Kong leader Carrie Lam.
Ang nasabing panukalang batas ay magbibigay permiso sa mga kriminal na maibalik sa mainland China.
Suot ang kani-kanilang mga helmet ay hinarap naman ng mga riot police ang patuloy na pagbuhos ng mga nagpoprotesta.
Simbolo ng malawakang kilos protesta na ito ang mas lumalaking takot para sa mga taga Hong Kong dahil sa di-umano’y ginagawa ng China na unti-unting pagtanggal sa kalayaan at kultura ng naturang siyudad.