GENERAL SANTOS CITY – Matutunghayan ang annular solar eclipse bukas, December 26, 2019 na inaabangan na ng mga residente sa Brgy. Batulaki Glan Sarangani Province at Balut Island.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo GenSan mula sa Pagasa-GenSan, sinabi nitong inaasahang masisilayan ng mga Pilipino, partikular na sa mga nasa Southern part ng Pilipinas ang magaganap na solar eclipse.
Makikita ang annular eclipse ng araw sa ilang lugar ng Davao Occidental.
Pero ang mas the best umano na site para abangan ang phenomenon na ito ay sa mga lugar ng Balut Islands Davao Occidentat at Brgy. Batulaki, Glan Sarangani Province.
Pahayag pa ng PAGASA, maari naman itong matunghayan sa ibat-ibang lugar sa bansa ngunit posibleng partial solar eclipse na lamang ito.
Paliwanag ng weather bureau, nagaganap ang annular eclipse sa tuwing magkalayo ang distansya ng buwan sa mundo.
Dahil malayo umano ang buwan sa mundo, nagmumukha itong mas maliit kayat hindi nito natatakpan ang buong bahagi ng araw, na sya namang lumilikha ng tinatawag na “ring of fire.”.
Makikita rin ang eclipse sa ilang lugar ng Northern Mariana Islands, Guam, India, Indonesia, Malaysia, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Singapore, Sri Lanka at United Arab Emirates.