GENERAL SANTOS CITY – Masasaksihan din sa probinsya ng Sarangani ang annular solar eclipse kung saan makikita ang ring of fire phenomenon ngayong December 26, 2019.
Ito ang sinabi ni Binrio Binan ng Pagasa sa interview ng Bombo Radyo Gensan.
Ayon dito ang magaganap na annular solar eclipse ay kung magpapagitna ang buwan sa pagitan ng earth at araw.
Pinakamalapit na masasaksihan ang naturang phenomenon ay sa Singapore, Indonesia, probinsya ng Sarangani kasama na sa Davao Occidental.
Idinagdag pa ni Binan na madali lang na makikita ang ring of fire depende sa anggulo at lokasyon.
Aabot lang umano ito ng 3 minutes at 40 seconds sa pagitan ng ala una o alas dos ng hapon sa December 26 ngayong taon.
Nagpaalala ito sa publiko na huwag direktang tumutok sa araw at gumamit ng apparatus para hindi masira ang mata.
Napag-alaman na nasaksihan noong January 21, 2019 ang total lunar eclipse at partial solar eclipse noong January 6, total solar eclipse noong July 2 at partial lunar eclipse noong July 6, 2019.