-- Advertisements --

Nakatakda ring magsagawa ng joint inquiry ang Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Department of National Defense (DND) para imbestigahan ang puno’t dulo ng nangyaring “misencounter” na ikinasawi ng anim na pulis habang siyam ang sugatan.

Ayon kay DILG OIC-Sec. Eduardo Año, layon ng nasabing imbestigasyon na humanap ng mga sagot sa ilang mga katanungan kung bakit humantong ito sa madugong insidente.

Pagkakataon din ito para ipatawag ang mga opisyal kung bakit walang ginawang prior communication at coordination sa magkabilang panig para maglunsad ng combat operations sa lugar.

“This is a very unfortunate event that nobody wanted to happen. Together with the DND, we will form a board of inquiry to investigate the incident in order to determine the cause of this unfortunate event and draw up measures to prevent the same from happening again,” mensahe ni Año.

Binigyang-diin ng kalihim na may existing protocols sa pagitan ng PNPat AFP partikular sa field operations.

Ikinalungkot naman ng kalihim na dating AFP chief of staff ang nangyari kung saan sinabi nito na parehong ginagawa ng mga tropa ang kanilang trabaho na tugisin ang mga armadong grupo na kalaban ng gobyerno para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng isang komunidad.

Ipinaaabot naman ni Año ang kaniyang pakikiparamay sa mga naulilang pamilya ng anim na mga bagitong pulis.

Tiniyak din nito na lahat ng mga benepisyo ng mga pulis ay makukuha ng mga kaanak.

“On behalf of the DILG and the PNP leadership, my deepest sympathies and condolences to the families of the policemen who died during this unfortunate incident. I have already given specific instructions to the PMO to expedite he release of the benefits and assistance to help you cope in this hour of bereavement,” pahayag ni Año.