Binatikos ni Interior OIC-Sec. Eduardo Año ang naging desisyon ng state prosecutors na ibasura ang mga drug cases ng mga tinaguriang “bigtime drug lords” sa bansa na sina Kerwin Espinosa, Peter Co, Peter Lim at iba pa.
Sinabi ni Año na hindi siya natutuwa sa naging desisyon ng mga state prosecutors dahil public knowledge na involved sa illegal drug trade ang mga nasabing personalidad.
Giit pa ni Año, isa sa naging patunay ay ang pag-amin ni Espinosa sa Senate hearing na talagang nagpapakalat ito ng iligal na droga.
Idiniin din ng kalihim na nakakalungkot isipin na todo ang effort ang pamahalaan sa kanilang anti-drug campaign pero sa kalaunan ay madi-dismiss lamang kaso ang mga umano’y tinaguriang drug lord.
Kumpiyansa si Año, mababaliktad ang desisyon ng naunang mga state prosecutors na nag-imbestiga sa kaso.
Mahigpit din ang bilin ni Año kina PNP chief Ronald Dela Rosa at CIDG head Roel Obusan na masusing i-monitor ang nasabing kaso at ang iba pang kaso at tiyakin na mapapanagot ang mga indibidwal na may kinalaman sa illegal drug trade.