Binigyang-diin ng Department of Interior and Local Government (DILG) na palaging hands on si Secretary Eduardo Año sa pag-aksyon bago pa man manalasa ang bagyong Ulysses hanggang sa ngayon.
Ang nasabing pahayag ang bilang tugon sa naging batikos ng abugadong si Wilfredo Garrido kaugnay sa presensya ni Año sa panahon ng kalamidad.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, bago pa man sumapit ang Nobyembre 9, nag-isyu na si Año sa lahat ng local government units na i-activate ang kanilang Operations Centers and Disaster Monitoring Systems.
Sa pag-landfall ng bagyo noong Nobyembre 11, nagsalita aniya ang DILG secretary sa mga national media outlets kung saan kanyang inaabisuhan ang lahat ng mga LGU officials na agad na ipatupad ang protocols ng Operation Listo, at iba pang mga paghahanda sa bagyo.
“Secretary Año was definitely at the right places doing the right actions at the right time. Only a person whose eyes have been blinded by malice or political agenda cannot see,” saad ni Malaya.
Samantala, pumalag naman ni Malaya sa kritisismo ni Garrido na tinawag nitong “malisyoso at walang basehan.”
Paliwanag ni Malaya, hindi raw isinasapubliko ng kalihim ang kanyang ginagawa para na rin sa kanyang seguridad at hindi mabansagang “epal” sa panahon ng krisis.
“I’d say you did not do your homework when you lapped up the lie that the Secretary was missing in action during this critical period,” dagdag nito.