-- Advertisements --

NCRPO CHIEF SINAS
NCRPO Chief M/Gen. Debold Sinas

Prerogative ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakatalaga kay NCRPO Chief Maj. Gen. Sinas.

Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, qualified si Sinas para sa posisyon at umaasa siyang pananatilihin nito ang intensity sa kampaniya ng Pulisya kontra Iligal na droga, Krimen, Terrorismo at Katiwalian.


Umaasa rin ang Kalihim na pananatilihin din ni Sinas ang mataas na pamantayan sa pamamahala at pagganap sa kaniyang tungkulin bilang lider ng organisasyon.

Magtakda ng standards sa performance at pagdisiplina sa kaniyang mga tauhan at siguraduhing walang puwang sa kanilang organisasyon ang mga Police scalawag.

Ayon kay PNP Spokesman P/Col. Ysmael Yu na isasagawa ang Change of Command Ceremony sa Kampo Crame bukas kung saan si DILG Sec Eduardo Ano ang mag-administer ng change of command ceremony.

Si Sinas ay miyembro ng Phiippine Military Academy o PMA Hinirang Class of 1987 habang si Gen. Camilo Pancratius Cascolan ang huling PNP Chief ng PMA Sinagtala Class of 1986.

Si Sinas ay ipinanganak nuong May 1965 sa Butuan City, pumasok sa Philippine Military Academy at naging sundalo dahil sa pressure ng kaniyang ama.

Nakuha ni Sinas ang kaniyang first star ng madestino ito sa office of the Chief of the Directorial staff sa camp Crame nuong April 2017.

Naging director ng PNP Crime Lab at itinalagang regional director ng PRO-7.

Itinalaga si Sinas bilang NCRPO chief ni dating PNP chief Gen. Archie Gamboa at dito nakuha ni Sinas ang kaniyang second star.

Recipient siya ng ibat ibang awards and citation, tinaguriang best police commissioned officer ng madestino sa ARMM at may Authority to Wear handgun Marksmanship badge.

Mayruon din siyang masters degree in Management. Nakakapagsalita ng Chavacano at Cebuano.

Nasangkot si Sinas sa Kontrobersiya nuong buwan ng Mayo matapos kumalat sa social media ang larawan ng mananita ng kaniyang kaarawan na lumabag sa quarantine protocols.

Humingi naman ng paumanhin si Sinas hinggil sa nangyari.

Mistah naman ni Sinas ang tatlong miyembro ng PNP Command Group sa pangunguna nila Deputy Chief for Administration P/LGen. Guillermo Eleazar, Deputy Chief for Operations P/LGen. Cesar Hawthorne Binag at Chief of Directorial Staff PMGEN Joselito Vera Cruz.

Manunungkulan si Sinas sa loob ng anim na buwan bago ang kaniyang ika-56 na kaarawan na siya ring mandatory age retirement para sa mga nasa unipormadong hanay.