-- Advertisements --

Mariing kinondena ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec Eduardo Año ang pamamaril ng isang police officer sa dalawang indibidwal sa Paniqui, Tarlac.


Sinisiguro ni Año na masisibak sa serbisyo ang pulis na namaril patay sa mag ina.

Ayon kay Año, murder ang ginawang pagpatay sa pulis Parañaque na si PSMS Joel Nuesca sa mag ina.

Aniya, dapat masibak sa serbisyo si Nuesca dahil hindi siya dapat pamarisan.

Giit ng kalihim, hindi kailangan ang ganitong pulis sa serbisyo.

“This is worst, we dont train policemen like this”, wika ni Sec Ano.

Ayon kay Ano, dapat maramdaman ng komunidad na safe sila lalo na kapag may pulis sa kanilang lugar.


Pero ang ginawa ni Nuezca ay kabaligtaran sa nais nilang i project na imahe ng PNP.

Ngayong araw isasailalim sa inquest proceedings ang suspek.

Dinis-armahan na si Nuezca at kasalukuyang nasa kustodiya ng Tarlac Provincial office.

Siniguro ni Año na mabigyan ng hustisya ang pamilya ng dalawang biktima.

Sa panig naman ni PNP chief Gen. Debold Sinas, hinahanda na ang kasong administratibo at criminal laban kay Nuezca.

Sasampahan ng kasong double murder ang nasabing pulis.

Ayon kay Sinas lumang away sa lupa ang sanhi ng pamamaril.

Inatasan na ni Sinas ang PNP Crime Laboratory na imbestigahan ang insidente sa Paniqui.