-- Advertisements --

Inamin ni Interior Secretary Eduardo Año na mayroon talagang lapses sa pagpapatupad ng COVID-19 protocols sa napaulat na mass gathering na dinaluhan nina presidential spokesperson Harry Roque and Senator Manny Pacquiao.

Ayon kay Año, hindi raw dapat hinayaan nina Pacquiao at Roque na suwayin ng mga tao ang umiiral na health rules dahil kung hindi ay dapat ipinatigil na lamang nila ito.

Gayunman, hindi pa raw natatanggap ng kalihim ang final report ng imbestigasyon ng PNP kaugnay sa dalawang kontrobersyal na okasyon.

Sa panig naman ng pulisya, sinabi ni PNP chief Debold Sinas na tapos na raw ang imbestigasyon at isusumite nila kay Año ang kanilang findings ngayong linggo.

Kung maaalala, inulan ng batikos sa social media si Roque matapos kumalat ang larawan ng kanyang pagdalo sa isang event sa Cebu na dinaluhan ng publiko na hindi tumalima sa physical distancing.

Habang ang senador naman ay pinuna matapos na magsalita ito sa harap ng maraming tao sa Batangas, na hindi rin daw sumunod sa protocol.