Hinimok ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ang mga mambabatas na bumalangkas ng panukala na magtatakda ng mga bilangguan na para lamang sa mga radikal at teroristang naaaresto.
Sa pagharap ni Año sa Senate cCmmittee on National Defense and Security, inamin ng kalihim na problema ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ngayon ang pagkustodiya sa mga naarestong sangkot sa terorismo dahil sa limitadong jail facilities.
Ayon sa kalihim, kung nagkakasama-sama ang mga radikal na militante, mas malaki ang tyansang lumakas pa ang pwersa ng mga ito kahit nakakulong.
Sinang-ayunan naman ni Sen. Panfilo Lacson ang pananaw ni Ano.
Kaya nais daw nilang pag-aralan ang kagaya ng kulungan sa Australia na may “super max” na nakalaan lamang sa may mabibigat na kaso at hindi nahahaluan ng ibang bilanggo.