Ipinag-utos ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police (PNP) at mga barangay officials para arestuhin ang sinuman na magtangkang sirain ang mga bagong tren ng Philippine National Railways.
Ang pahayag ng kalihim ay kasunod ng deployment ng mga bagong tren.
“Inaatasan ko ang ating mga pulis at ang mga barangay official na nakatalaga malapit sa dinadaanan ng tren na maging mapagbantay at siguruhing hindi mapipinsala ang mga tren na ito para matagal pang magamit at mapakinabangan ng publiko,” pahayag ni Sec Ano.
Giit ng kalihim, nakakalungkot na may mga taong sinasabotahe ang mga proyekto ng pamahalaan tulad ng PNR trains.
Ayon kay Ano ang sinumang mahuhuli ng mga kapulisan at mga taga-barangay sa kalaboso ang kanilang destinasyon.
Hinimok naman ni Año ang mga barangay officials para pangunahan ang hakbang para maprotektahan ang mga bagong tren.
Maging ang publiko ay hinikayat ni Ano na ireport sa mga otoridad kung sino ang sumisira sa tren.