-- Advertisements --

Hindi kailangan ng Pilipinas ng permiso mula a China sa pagtungo nito sa Ayungin Shoal na bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ang binigyang-diin ni National Security Adviser Eduardo Año.

Ayon kay Sec. Año ang pahayag ng China’s Foreign Ministry na nagmumungkahi na kailangan ng permismo mula sa China sa gagawing access ng Pilipinas na Ayungin Shoal.

Tinawag ni Ano ang pahayag ng China na “absurd, nonsense and unacceptable.”

“We reaffirm our commitment to uphold our sovereign rights and jurisdiction over Ayungin Shoal, which is well within our EEZ as recognized by international law and the 2016 Arbitral Award. We do not and will never need China’s approval for any of our activities therein,” pahayag ni Sec. Ano.

Sa pahayag na inilabas ng Chinese Foreign Ministry na papayagan nila ang Pilipinas na magpadala ng supplies sa BRP Sierra Madre kung magpapa-alam ito sa China.

Binigyang-diin din ng Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na hindi umano ito maaring gamitin ng Pilipinas bilang excuse para makapagpadala ng mga materyales para sa construction ng navy vessels.

Binatikos din ni Año ang kamakailang pagsalakay ng China sa West Philippine Sea kung saan inilarawan niya ang mga aksiyon ng Tsino bilang kapintasan at nangangailangan ng malalimang pagsisiyasat.

Sinabi ng kalihim na ang agresibong aksiyon ng China Coast Guard nuong May 9, 2024 laban sa isang barkong Pilipino na lumikas sa isang maysakit na sundalo mula sa BRP Sierra Madre ay barbaric at hindi makatao.

Giit ni Ano, ang mga naturang aksyon ay hindi lamang mga paglabag sa mga maritime international laws kundi pati na rin sa mga pangunahing karapatang pantao.

Siniguro ni Año na magpapatuloy ang Pilipinas sa pagpapanatili at pagbibigay ng mga outpost nito sa West Philippine Sea, kabilang ang BRP Sierra Madre, nang hindi humihingi ng permiso sa ibang bansa.