-- Advertisements --

Muli na namang namayani ang world champion na Pinoy athlete na si Carlos Yulo sa gymnastics para sa ikatlong gold medal sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Ito ay makaraang dominahin ni Yulo ang Artistic-Men’s Still Rings.

Una rito, namayagpag din sa kanyang paboritong floor exercises si Yulo para makuha ang 15.200 score.

Ang panibagong gintong medalya ng dating Olympian ay pang-19 na gold medals na ng Pilipinas.

Pumangalawa naman kay Yulo sa floor exercises ang atleta mula sa Singapore at pangatlo ang host country na Vietnam.

Una nang nasungkit din ni Yulo ang gold medal sa all-around habang pinangunahan niya ang kampanya ng mga Pinoy sa silver finish sa team event.

Inaasahan pang hahakot ng medalya si Caloy dahil sasabak pa siya sa pommel horse at still rings.