
Positibo ang gobyerno ng Pilipinas na kayang maibaba sa 9% ang antas ng kahirapan sa ating bansa sa susunod na anim na taon o sa 2028 sa ilalim ng Marcos administration.
Ito ang inihayag ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan sa naging pagpupulong sa Palasyo MalacaƱang.
Magagawa aniya ito sa pamamagitan ng paglikha ng de-kalidad na mga trabaho at pagtataguyod sa social protection system.
Ito ay upang matugunan ang naging epekto ng mga nagdaang bagyo at kinakaharap na krisis para matulungan ang ating bansa na makamit ng mas mabilis ang layunin na mapababa ang kahirapan.
Kung matatandaan noong nakalipas na taon (2021), tumaas ang poverty incidence sa bansa ng hanggang 19.1% na katumbas ng 19.99 million Pilipino na mahihirap ayon na rin sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).