Patuloy na tumataas ang antas ng tubig sa 8 malalaking dam sa Luzon sa gitna ng mga pag-ulan dulot ng habagat at bagyong Carina.
Base sa monitoring sa mga dam nitong umaga ng Miyerkules, tumaas mula sa 177.48 meters sa 178.41 meters ang antas ng tubig sa may Angat dam na siyang pangunahing pinagmumulan ng tubig sa Metro Manila at karatig na probinsiya.
Inaasahan na makakarekober ang Angat dam ngayong Hulyo na nataong peak ng habagat at tropical cyclone season.
Samantala, sa ibang dams naman sa Luzon ay nakitaan din ng pagtaas sa lebel ng tubig dahil sa patuloy na mga pag-ulan tulad na lamang sa Ipo dam sa lalawigan ng Bulacan na ngayon ay nasa 101.5 meters.
Sa La Mesa dam naman sa QC ay tumaas din ang water level mula sa 77.07 meters sa 78.15 meters.
Ang Ambuklao at Binga dams naman na nasa Benguet ay tumaas sa 744.85 meters at 571.75 meters.
Sa San Roque dam naman sa lalawigan ng Pangasinan, tumaas mula sa 226.46 meters sa 227.5 meters.
Ang water level sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija ay bahagyang tumaasmula sa 180.29 meters sa 180.57 meters.
Gayundin sa Magat Dam sa Isabela na nakitaasn ng pag-akyat ng water level mula 174.37 meters sa 174.9 meters.
Sa ngayon, ang antas ng tubig sa lahat ng nasabing mga dam ay nasa below spilling level.