Bumaba pa ang antas ng tubig sa Angat dam na nagsusuplay ng mahigit sa 90% potable water na kailangan sa Metro Manila at nagbibigay ng irigasyon sa 25,000 ektarya ng palayan sa Bulacan at ilang lugar ng Pampanga.
Sa latest data ng DOST kaninang 8am, bumaba pa sa 189.62 meters ang antas ng tubig sa Angat dam.
Nabawasan ito ng 0.45 meters mula sa naitalang reservoir water level ng dam nitong Huwebes na nasa 190.07 meters.
Mas mababa din ito ng 22.38 meters kumpara sa normal high water level ng dam na 212 meters.
Ayon sa DOST-Pagasa, karamihan sa mga lugar sa bansa ay nakaranas ng way below to below normal rainfall conditions at near-average to warmer kumpara sa average mean surface air temperatures ngayong Abril na nagresulta sa steady na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam.
Base din sa pagtaya ng ahensiya, posibleng umabot ang water level ng dam sa 182.73 meters sa katapusan ng Mayo, bahagyang mas mataas sa minimum operating level nito na 180 meters.
Ayon din sa ahensiya, inaasahan ang pag-ulan sa karamihan ng Luzon at Visayas na nasa waybelow to below normal sa susunod na buwan habang ang pag-ulan naman sa Mindanao ay inaasahang magiging “mostly near normal”.
Samantala, sa kabila naman ng paghina ng El Nino, inaasahang magtatagal ang lingering eefct nito sa mga susunod na buwan.