Lalo pang bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Batay sa datus ng weather agency ng Department of Science and Technology(DOST), nakitaan ng 34 centimeter na pagbaba sa lebel ng tubig kaninang umaga mula sa lebel nito kahapon.
Dahil dito, umaabot na lamang sa 175.07 meters ang lebel ng tubig sa naturang dam.
Ang naturang lebel ay halos limang metrong mas mababa sa sa 180 meters bilang minimum operating level ng naturang dam.
Una nang sinabi ng naturang ahensiya na ngayong buwan ng Hulyo ay maaaring tuloy-tuloy na ang pagtaas ng lebel ng tubig sa naturang dam dahil na rin sa inaasahang mga pag-ulan.
Samantala, maliban sa Angat Dam ay nakitaan din ng pagbaba sa lebel ng tubig ng iba pang mga dam sa bansa, sa kabila na rin ng mga pag-ulan.
Kabilang na rito ang Ipo Dam, Ambuklao, Binga Dam, Magat, at Caliraya Dam