-- Advertisements --
Sa kabila ng nagdaang bagyong Aghon sa bansa, patuloy pa ring nababawasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Batay sa ulat ng State Weather Bureau, as of 8am kaninang umaga ay aabot sa 21 sentimetro ng water level ang nabawas sa Angat.
Dahil dito, pumapalo na lamang ito sa 179.70 meters.
Mas mababa na ang antas ng tubig nito mula sa dating 179.91 meters noong nakalipas na mga araw.
Patuloy ring binabantayan ng State Weather Bureau ang mga Dam sa Luzon.
Kabilang na rito ang Magat at Caliraya Dam na nakapagtala rin ng pagbaba ng tubig kaninang umaga.
Good news naman dahil ang ilan pang natitirang dam sa rehiyon ay nadagdagan matapos na ulalin ang ilang bahagi nito.