Iniulat ng State Weather Bureau na maaari pang magpatuloy ang pagbaba ng tubig sa Angat Dam hanggang sa buwan ng Abril.
Ayon sa ahensya, as of 6 ngayong umaga ay naitala ang 200.70 meters ang lebel ng tubig sa naturang Dam.
Sinabi pa nito na nagsimula ang pagbaba ng water elevation ng naturang Dam mula pa noong kalagitnaan ng buwan ng Enero ngayong kasalukuyang taon.
Paliwanag ng ahensya na ito ay dahil na rin sa kakulangan sa mga pag-ulan sa mga watershed ng dam.
Dahil dito ay hindi nagiging sapat para tumaas muli ang tubig sa Angat Dam.
Batay sa pagtataya ng state weather bureau , maaaring dumausdos pa ang lebel ng tubig ng Angat Dam sa 189 meters pagsapit ng katapusan ng Abril.
Tiniyak naman nito na nanatiling normal ang antas ng tubig sa iba pang mga dam sa luzon.
Normal rin aniya ang alokasyon nito sa domestic use at irigasyon dahil sa deviation nito sa rule curve.