-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat dam ngayong araw ng Sabado sa kabaila ng mga pag-ulan.
Ayon sa state weather bureau, bumaba ang lebel ng tubig sa dam sa 178.89 meters ngayong Sabado mula sa 179.27 meters kahapon.
Ito ay 1.11 meters na mas mababa sa minimum operating level na 180 meters at 31.11 meters na mababa sa normal high water level na 210 meters.
Ang pagbaba ng antas ng tubig sa dam ay dahil kakaunti ang pag-ulan bunsod na rin ng El Nino phenomenon.
Ang Angat dam nga ang nagsusuplay ng 90% ng potable water na kailangan sa Metro Manila, Rizal at ilang bahagi ng Cavite at Bulacan.