-- Advertisements --
Antetokounmpo
Antetokounmpo brothers

Inaabangan ang magiging performance ng Greece sa 2019 FIBA World Cup.

Ito ay dahil bukod sa paglalaro ni NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo ay makakasama pa nito ang 2 pang kapatid sa koponan.

Napili kasi ang kapatid ng 24-anyos na Milwaukee Bucks player na sina Thanasis, 26 at Dallas Mavericks power forward Kostas, 21-anyos.

Ayon kay Greece coach Thanasis Skourtopoulos, na malaking factor ang pagkakuha nila sa nakakabatang Antetokounmpo na si Kostas.
Sa limang magkakapatid na lalaki ay tanging ang kapatid nilang si Francis ang naglalaro lamang ng football.

Malaki rin ang posibilidad na madagdagan pa ng isa ang magkakapatid dahil ang bunso nilang si Alexis ay naglalaro na ng basketball sa high school sa Milwaukee na tinuturuan ngayon ni Giannis.

Ipinanganak sa Greece si Giannis na mayroong Nigerian na magulang na unang nagrepresent ng Greece noong July 2013 sa under-21 level taon kung saan pumirma rin ito ng Bucks.