-- Advertisements --

Hindi umano hihilingin ng kasalukuyang NBA Most Valuable Player na si Giannis Antetokounmpo na mai-trade mula Milwaukee Bucks patungo sa ibang mga koponan.

Ito’y kahit na masaklap ang sinapit ng top seeded na Bucks ngayong season, na nalaglag na sa semifinals ng NBA playoffs matapos payukuin ng Miami Heat.

Bagama’t aminado si Antetokounmpo na talagang nakadidismaya ang maaga nilang pag-alis sa second round, nilinaw nito na marami pa silang kailangang ayusin sa kanilang team at sa kanilang mga sarili.

Hindi pa rin aniya nawawala ang kanyang tiwala at kumpiyansa sa kanyang mga teammates at nangakong babawi sila sa susunod na season.

“Some see a wall and go in (another direction). I plow through it,” wika ni Antetokoumpo. “We just have to get better as a team, individually, and get right back at it next season.”

Sa kampanya ng Milwaukee sa postseason, inabot sila ng limang laro bago tuluyang madispatsa ang Orlando Magic sa first round.

Nalugmok naman sila sa 0-3 sa Heat sa semis bago makaiwas sa sweep at magwagi sa Game 4.

Hindi naman nakapaglaro ang tinaguriang “Greek Freak” sa Game 5 dahil sa iniindang ankle injury.