-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ang Team USA sa nagpapatuloy na second round ng FIBA Basketball World Cup matapos na dispatsahin ang koponan ng Greece, 69-53.

Team USA
Team USA

Nagawang limitahan ng US ang diskarte ng NBA MVP Giannis Antetokounmpo para iposte ang unbeaten run sa China.

Habang ito naman ang ikalawang talo ng Greece.

Nagtapos si Giannis sa 15 points sa pamamagitan ng 7-for-11 shooting at may 13 rebounds.

Sa panig ng defending champion na Amerika, dalawang players lang ang nagtala ng double figures na sina Kemba Walker na may 15 points at si Donovan Mitchell na nagtala ng 10 puntos.

Inalat ng husto ang Greece na nagpakita nang nakakadismayang 32-percent sa field at kakarampot na pitong three pointers na naipasok mula sa 27 pagtatangka.

Sa ngayon kailangan na lang ng US na talunin ang Brazil na may 3-1 record upang makuha ang top spot sa Group K.

Kung maalala ang Brazil ang nagpahiya sa Greece sa first round.

Samantala posible namang makaharap sa Miyerkules ng USA ang Australia o France na parehong 4-0 ang record sa Group L.

Ang panibagong panalo ngayon ng US na binubuo ng mga NBA players ang ika-57 winning streak mula pa noong taong 2006 World Championship.