-- Advertisements --

Inanunsyo ngayon ng NBA ang mga nanalong players na napili sa kanilang prestihiyosong All-NBA team.

Kabilang sa natatanging napabilang ay sina Denver Nuggets center Nikola Jokic, Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo, Dallas guard Luka Doncic, Boston Celtics forward Jayson Tatum at Phoenix Suns guard Devin Booker.

Ang MVP runner-up na si Philadelphia 76ers center Joel Embiid ay napunta naman sa second team bilang center.

Batay sa lumabas na botohan si Antetokounmpo ang tanging unanimous sa selection at unang player sa nakalipas na 50 taon na naging unanimous selection sa All-NBA first team sa apat na magkakasunod na seasons.

Lumabas naman sa record ng liga na ngayon lamang nangyari na ang napili sa first team players ay mga mas bata na edad 27-anyos pababa.

Huling nangyari ito ay noon pang taong 1954.