-- Advertisements --
Nagbuhos si Giannis Antetokounmpo ng 27 points at 10 rebounds na naging susi upang umusad ang Greece sa quarterfinals para harapin ang Germany.
Una rito, nagpakawala ng 3-point shot si Antetokounmpo na may 31 seconds left na naging daan upang makarating ang kanilang koponan sa Eurobasket quarterfinals at tuluyang maiwan ang karibal na Czech Republic sa iskor na 94-88.
Samantala tumulong din naman sa NBA two-time MVP ang iba pang teammates sa Greece na sina Nick Calathes na may 14 points, 13 kay Ioannis Papapetrou at 10 points kay Kostal Sloukas. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)