Bumida ang NBA superstar na si Giannis Antetokounmpo sa naging panalo ng Milwaukee Bucks laban sa Charlotte Hornets, 127-125.
Ito na ang ika-walong sunod-sunod na panalo ng defending champion para sa kabuuang 14 wins, 8 losses ngayong season.
Liban sa kanyang 40 big points, 12 rebounds, at 9 steals sa halos triple double performance, naging bayani rin si Giannis nang maipasok ang makapigil hininga na driving layup kahit dalawang segundo na lamang ang nalalabi sa laro.
Ang pag-atake ng dating two-time MVP sa goal ay dahil abanse pa ang kalaban sa huling sandali, na siyang naging mitsa sa kanilang dalawang puntos na panalo.
Naging tinik naman sa diskarte ng Bucks ang ipinakitang matinding opensa ni LaMelo Ball para sa Hornets na kumamada ng career-high na 36 points, kasama na ang naipasok na walong 3-points.
Natigil naman sa pamamayagpag ng Hornets sa record na 13 wins at 11 losses.