-- Advertisements --

Minamalas pa rin ang Los Angeles Lakers makaraang tumikim na naman ng talo sa nangungulelat na NBA defending champion na Milwaukee Bucks.

Bucks Giannis Antetokounmpo

Ito na ang ikawalong talo ng Lakers habang hindi pa rin nakakalaro sa ika-walong pagkakataon ang kanilang superstar na si LeBron James dahil sa injury.

Samantala binitbit naman ni dating MVP Giannis Antetokounmpo ang Bucks nang magbuhos siya ng 47 big points.

Agad din namang nagparamdam sa Bucks ang nagbabalik na si Khris Middleton nang magpakita ng franchise record sa kanyang career 3-pointers.

Inabot din ng walong games na hindi nakalaro si Middleton matapos na tamaan ng COVID-19.

Sa ngayon meron pa lamang pitong panalo ang Milwaukee sa bagong NBA season.

Agaw pansin naman sa Lakers si Talen Horton-Tucker na kumamada ng 25 points matapos makaabot ng career-high na 28 points sa kanilang pagkatalo sa Chicago Bulls nitong nakalipas na araw.

Nag-ambag naman si Russell Westbrook ng 19 points, Malik Monk may 11 at si Carmelo Anthony ay nagtapos sa 10 puntos.