Naihanay ngayon ang Milwaukee Bucks superstar na si Giannis Antetokounmpo sa ilang elite basketball stars kasunod ng record na back-to-back 40-point NBA Finals performances.
Batay sa NBA history si Giannis ang ika-anim pa lamang na player sa NBA Finals history na nagtala ng dalawang magkasunod na 40 points sa laro.
Ang two-time NBA Most Valuable Player ay nahanay tuloy kina NBA legend Michael Jordan, Jerry West, Shaquille O’Neal at Rick Barry.
Ang dati na ring nakagawa nito ay si LeBron James na may magkasunod na 40-point NBA Finals performances.
Bilang reaksiyon sinabi ni Giannis, hindi naman siya si Jordan at ang mahalaga ngayon ay magtrabaho lamang at mabigyan pa ng isang panalo ang Bucks.
Una nang pinuri ng mga teammates ang performances ni Giannis sa nakalipas na mga games kahit kagagaling lamang nito sa injury.
Kaya naman sinuman man daw ang nagbansag daw kay Giannis bilang “Greek Freak”‘ ay bagay na bagay daw dahil sa nagagawa nito sa loob ng basketball court.