Nagpasabog si Giannis Antetokounmpo ng 35 points, 11 rebounds at pitong assists upang madispatsa ng Milwaukee Bucks ang Orlando Magic 121-107 ngayong araw para itala ang 2-1 lead sa kanilang Eastern Conference playoff series.
Naglista ng 12 of 14 si Antetokounmpo para sa top-seeded na Bucks, na may 56.1% shooting mula sa floor.
Umalalay din para sa Milwaukee si Khris Middleton na tumabo ng 17 points, walong rebounds at anim na assists.
Kumamada naman ng 24 points si D.J. Augustin, habang nagdagdag ng tig-20 puntos si Nikola Vucevic at Terrence Ross para sa Orlando.
Naghulog ng 13-0 bomba ang Bucks noong second quarter para tuluyang mapasakamay nila ang kontrol sa laro.
Tangan ng Milwaukee ang 45-34 abanse bago hindi nila payagang makaiskor ang Orlando ng halos limang minuto.
Umabot pa sa 24 ang kalamangan ng Bucks bago tapusin ni Vucevic ang pagkauhaw ng Magic sa iskor sa 3:20 natitira bago ang halftime.
Hawak ng Bucks ang 70-43 abante sa break at lumawig pa ng hanggang 34 sa ikatlong quarter.
Nataypasan ng Orlando ang kalamangan sa 104-92 tampok ang 3-pointer ni Ross sa huling 7:22, ngunit kaagad na sumagot ng siyam na sunod-sunod na puntos ang Bucks.
Tinapos ito ni Antetokounmpo sa pamamagitan ng isinalpak nitong one-handed dunk.
Idaraos sa Lunes (araw sa Pilipinas) ang Game 4.