-- Advertisements --

Misteryo pa rin kung ituring ng ilang NBA observers ang hindi pa rin pagpirma kaagad ni Anthony Davis ng kontrata sa Los Angeles Lakers.

Ito ay sa kabila na magsisimula na ang training camp ng mga NBA teams bilang paghahanda sa bagong season na bubuksan sa December 22.

Sinasabing minabuti raw ni Davis na maging free agent sa huling taon ng kanyang kontrata.

Lumutang naman ngayon ang isyu na ang 6-foot-10 forward kasama ang kanyang agent na si Rich Paul ng Klutch Sports ay nakatakdang makipagpulong sa Lakers management kasama na ang general manager ng team na si Rob Pelinka.

Isa mga option ni Davis ay pumirma ng two-year contract at may player option sa 2021-22 season sa halagang $68 million.

Kung mangyayari ito, magkakasabay sila ni LeBron James na maging free agent pagkatapos ng kontrata.

Nauna nang nawala ang walong players ng Lakers na bahagi ng kanilang championship team pero napalitan naman ng mas malakas pang players sa naganap na trade at free agent signings.