Umatras na umano ang All-NBA center na si Anthony Davis na maging bahagi pa ng Team USA.
Magsisimula na kasi ang training camp sa Agosto bilang paghahanda sa FIBA Basketball World Cup na magaganap sa Setyembre sa China.
Nangangahulugan to na hindi na rin siya mapapasama sa pool of players na siyang pagpipilian sa final list.
Ang naturang impormasyon ay lumutang matapos ang ulat ni Chris Haynes ng Yahoo Sports.
Sinasabing nais na lamang mag-focus ni Davis sa kanyang bagong team na Los Angeles Lakers.
Kung maaalala opisyal na naging bahagi si Davis ng koponan nina LeBron James matapos ang walang humpay na pagsuyo sa kanya upang makabuo ng championship team ang Lakers.
Kung ipapaalala bago pa man naging rookie noon si Davies sa NBA ay bahagi na ito ng USA Basketball na nanalo ng gold medal noong 2012 London Olympics.
Mula noon ay tatlong beses na siyang napabilang sa All-NBA First Team at bilang six time All-Star appearances.