Kumamada si Anthony Edwards para sa Minnesota Timberwolves nang magtala ito ng 37 points, kabilang ang isang 3-point shots sa 114-109 pagpapatumba ng Philadelphia 76ers.
Sa kabila ng matinding laban mula sa 76ers na may 10-game losing streak, nakuha ng Timberwolves ang panalo sa tulong ng 18 points ni Edwards sa ika-apat na quarter. Nangunguna siya sa huling bahagi ng laro, kabilang ang isang 3-pointer na nagbigay sa Minnesota ng apat na puntos na kalamangan.
Bumira si Rudy Gobert ng 24 points at 19 rebounds para sa Timberwolves, habang si Julius Randle ay nagdagdag ng 15 points at si Donte DiVincenzo ay nag-ambag din ng 13 points mula sa bench.
Sa kabila ng 28 points mula kay Quentin Grimes at 19 points kay Guerschon Yabusele, hindi sapat ang huling pagsubok ng 76ers upang maagaw ang panalo.
Nanatiling buhay ang pag-asa ng Timberwolves para sa NBA playoffs.