-- Advertisements --

Humingi na ng tawad ang aktor na si Anthony Jennings kay Marris Racal at Jamela Villanueva ngayong Gabi, Disyembre 6, ilang oras lang ng basagin ni Maris Racal ang kaniyang katahimikan.

Ani Jennings ‘Sa lahat ho ng mga nangyari noong nakaraang araw, sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko, especially po si Maris atsaka si Jam, humihingi ho ako ng tawad sa dalawang babae, and sa mga lahat po ng mga nadamay ko rin po.’

Tila naging matipid lang ang kaniyang mensahe at dagdag pa nito ‘Iyon lamang po. Sorry po ulit.’

Maaalalang nag-ugat ang kontrobersiyal sa panig ni Racal at Jennings, dahil sa pinost ni Jamela Villanueva ang pribadong conversation ni Maris at Anthony na naglalaman ng sensitibong mga pag-uusap.

Nitong araw nga rin sinabi ni Maris sa kaniyang panayam na sinubukan niyang kausapin si Villanueva noong Nobyembre ngunit ‘wala itong naging tugon.

Itinanggi rin ni Maris na hindi niya alam na may ugnayan pa pala ang aktor na si Anthony Jennings kay Jamela Villanueva.

Sa ngayon ‘wala pang nagiging opisyal na pahayag si Jamella Villanueva ukol sa naging pahayag ng dalawang aktor.

Hindi naman napigilan ng ibang mga netizen na kumuha ng opinyon sa mga professional kagaya na lamang ng Lawyer na ipinahayag ang kanilang mga kaalaman sa batas ukol sa kumalat na pribadong conversation online.

Anila ‘walang nalabag ang dalawang aktor dahil hindi naman sila kasal gayunpaman bagamat nagkasala ay hindi dapat isinasapubliko online ang mga pribadong pag-uusap na siyang labag daw sa Cyber libel at privacy law.