Humirit ng rematch si British boxer Anthony Joshua matapos na talunin siya ni Oleksandr Usyk.
Nakuha kasi ng Ukrainian boxer ang unanimous decision na panalo sa laban na ginanap sa Tottenham Hotspur Stadium.
Dahil sa panalo ay nakamit ng 34-anyos na si Usyk ang World Boxing Association, International Boxing Federation and World Boxing Organization world heavyweights belts.
Siya rin ang pangatlong cruiserweight world champion kasunod nina Evander Holyfield ng US at David Haye ng United Kingdom na makuha ang heavyweight ranks sa kaniyang ikatlong professional fights.
Nagtamo kasi ng eye injury si Joshua sa ika-siyam na round kaya nahirapan ito hanggang sa pagtatapos ng laban.
Mayroon na ring 19 na panalo at wala pang talo si Usyk.
Sinabi naman ng promoter ni Joshua na si Eddie Hearn na posible sa Pebrero 2022 isasagawa ang rematch.