-- Advertisements --

Nakatakdang labanan ni Antony Joshua si Daniel Dubois.

Isasagawa ang IBF heavyweight fight sa Setyembre 21 sa Wembley Stadium.

Naisagawa ang nasabing plano matapos na ianunsiyo ni Oleksandr Usyk na kaniyang babakantihin ang world title.

Dahil dito ay naging IBF mandatory challenger si Dubois at siya na-upgrade sa champion matapos mabakante ni Usyk ang belt.

Nangangahulugan nito na hindi undisputed world heavyweight champion ang Ukrainian boxer na si Usyk.

Magugunitang tinalo ng 37-anyos na si Usyk si Tyson Fury noong nakaraang buwan sa Saudi Arabia at naging unang undisputed world heavyweight champion na nakuha niya ang WBC title ni Fury.

Itinakda ang rematch ni Usyk kay Fury sa December 21 sa Saudi Arabia at matapos nito ay magbabawas siya ng timbang at babalik ito sa cruiserweight.