Pinabagsak ni Daneil Dubois sa loob ng ikalimang round ang kapwa British boxer na si Anthony Joshua.
Dahil dito ay pinatunayan ni Dubois na hindi siya maituturing na accidental heavyweight boxer sa laban na ginanap sa Wembley Stadium.
Noong nakaraang tatlong buwan kasi ay nakuha nito ang IBF belt na binakante ni Oleksandr Usyk.
Tatlong beses na pinabagsak ng 27-anyos na si Dubois si Joshua na una, ikatlo at sa huli ay 59 segundo bago matapos ang ikalimang round.
Dahil sa pagbagsak ay nagpasya ang corner ni Joshua na magtapon na ng towel bilang senyales na sumusuko na sila.
Malaki na rin ang tsansa ni Dubois na sumali sa listahan ng mga boksingero na lalaban sa sinumang manalo sa pagitan nina WBA, WBC and WBO champion Usyk at Tyson Fury sa darating na Disyembre 21.
Inamin ni Joshua na marami siyang mga pagkakamali na nagawa bukod pa sa mas bata ang nakalaban.
Mayroon ng 22 panalo , dalawang talo na may 21 knockouts si Dubois habang si Joshua ay mayroong 28 panalo at apat na talo.