Mananatili ang kampo ni unified heavyweight champion Anthony Joshua sa pagsasaayos sa isang undisputed heavyweight match bago matapos ang taon.
Ayon sa promoter nito na si Eddie Hearn, itutulak nila na matuloy ang sagupaang Tyson Fury at Joshua.
Ito ay ay para madepensahan ni Fury ang WBC belt kontra sa dati nitong may-ari na si Deontay Wilder.
Kinakailangan ding madepensahan ni Joshua ang kanyang belts kontra kay Kubrat Pulev sa Hunyo upang gawing makatotohanan ang undisputed heavyweight champion title match.
Tikom naman ang kampo ni Fury ukol dito kung kaya’t naghanda na rin ng alternatibong mga kalaban si Hearn para kay Joshua.
Nariyan ang dating kampeon at WBO mandatory fighter na si Oleksandr Usyk, maging ang kalaban nito sa Mayo na si Derek Chisora.
Kabilang din sa maaring makalaban ni Joshua si Dillian Whyte.
Sakaling mabawi ni Wilder ang WBC belt kay Fury, mas malaki ang tiyansang matuloy ang undisputed title match dahil nauna nang sinabi ni Wilder na nais niya ng isang kampeon lamang sa heavyweight division.