-- Advertisements --

Nagpapagaling na ang actor na si Anthony Pangilinan matapos na operahan sa puso.

Kinumpirma ng asawa nitong si Maricel Laxa, ang balita kung saan patuloy ang paggaling ng asawa.

Dagdag pa ng actress na halos tatlong linggo sila sa pagamutan.

Nagpasalamat na lamang ito sa mga kaibigan at kaanak na sumuporta para manatili ang kanilang kalakasan.

Sa social media rin ng actor ay ibinahagi nito ang mga larawan habang ito ay nagpapagaling sa pagamutan.