Itinuturing ng singer-actor na si Anthony Rosaldo na biggest milestone sa kanyang career ang kanyang pagkapanalo bilang Most Promising Male Recording Artist of the Year sa 51st Guillermo Mendoza Box Office Entertainment Awards.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Anthony, inamin ng 26-year-old singer na hindi pa rin siya makapaniwala sa natanggap na parangal.
“Actually, I cannot really take it in pa. Hindi pa nag si-sink in sa akin. It’s been two years [sa industry] at feeling ko nagsisimula pa lang ako. I still have a lot of things to prove. Pero nabigyan nila ako ng award so I’m really, really grateful. This is my first major award na natanggap ko sa career ko. Sobrang blessed ko. Thankful ako sa Guillermo Memorial Foundation.”
Excited na rin naman ito na lalo pang bigyang buhay ang OPM at makapaghatid inspirasyon sa mga aspiring singers.
“I’m looking forward to do more songs. I wanna be known, not just as a singer, but a singer na merong mga kanta na kinakanta ng buong Pilipinas. That’s a hard work to do, pero gagawin natin ang best natin. The ultimate goal that I want to do in this career is to be someone na magiging example sa mga kabataan na gusto ring maging singer kagaya ko noon.”
Nagpasalamat naman ang dating talent search finalist sa lahat ng kanyang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanyang career.
“I will always make them proud. Thank you so much sa lahat ng inyong love, support and time na ibinibigay niyo sa akin. Be safe until the day na pwede na tayong magkita-kita. I’m so excited to be with you face-to-face. I really miss everyone.”